Kahapon dito ay Ngayon
Mag-isang binabagtas Ang anino araw na lumisan Sumasabay ang tugtog Ng nakabibinging ingay Mga sasakyang tila nagliliparan Sa kalsada lahat sila walang pakundangan Duguan ang nasagasaan Nabundol ng nakasidindak na kasinungalingan Katotohanan ang ikukumot ibabalot Sa walang buhay na sa kalsada nakahimlay Patagong magpapakita na lang Sa mga sugo ng kalikasan Walang tigil na luluha ang nilisan Ng araw na ngayon lamang muli isisilang.



