Kalinawang kay Labo
Napatawa kita, at masaya yun
Para sa aking nakikita ka
Na masaya tulad ng mga ibong laya
Ngunit bakit nakakulong pa rin
Ako sa selda ng pangungulila
Isinumpang habang buhay mag-iisa.
Papanuoring masayang lumipad
Ang iba at magpakakulong na lang
Kung yun ang ikasasaya.
Samahan mo ako, pasasayahin
Kita palagi, dahil sinabi mo
Hindi ka tao at gayun din ako,
Mga ibon tayong ikinulong
Sa hawla upang malaman
Ang tunay na kalinawan
At ang katotohanang sinlabo
Ng tulang ito ang ugnayan
Nating dalawa dito sa mundo.
Comments