Pagtataksil


Huwag mong ipamukha sa akin
Na parang wala akong pakiaalam
Sa ikinukubli mong patalim
Isinasaksak sa haligi ng tahanan

Huwag mong ipamukha sa akin
Na parang hindi ko alam
Ang pagtataksil na lihim
Sinong mas nasasaktan?

Ayoko ng ipamukha sa akin
Ng ilaw na minamahal namin
Ang pagputol unti-unti
Sa haliging walang kakampi

Huwag mo na lang ipamukha sa akin
Hindi na ako ang akong anak mo rin
Luha’y namuo’t bumara
Unti-unting binubulag ang mata

Ayoko ng magmukhang ewan
Unti-uning nilulusaw ang katawan
Kaluluwa’t nababaliw na isipan
Kelan ko ba masisimulan

Ang pagtataksil kong kinagisnan
Gusto ko ng mawakasan
Ang buhay ko;
Masaya na ako dito na nasaksihan ko

Comments

Popular Posts