Panaginip Lamang

Ang pagnanais kong ika'y mapasaakin
Maging kabiyak, sa hirap at kasaganahan
Ngunit musmus pa ang ating mga puso
Nadudungisan pa ng alikabok,
Grasa at putik ng luha ng kahapon.
Panaginip lamang
Ang pag-aakalang makakasama kita
Sa paglalakbay sa kalawakan
Sakay sa mga pangarap nating
Ako lang din ang lumikha.
Pagnananais na makapiling ka
Sa aking pagtulog, mayakap
Kapag dumantay ang lamig ng pangungulila.
Panaginip lamang
Ang ikaw ay mapanaginipang kasama ako
Sa mga panaginip mo.

Comments

Popular Posts