Estudyante Reds!

Buksan mo ang bintana
At pakinggan ang aking wika.
Abutin mo ang papel
Na naglalaman ng aking mga salita.
"Patawad aking sinta,
Tinanghali lang ako kanina.
Dito lang ako sa labas
Ang pumasok sa loob
Ay hindi na pwede pa.
Pader ang namamagitan
Ngayon sa puso nating nagkukulitan.
Bintana ang humaharang
Sa ating mga titigan.
Wag kang mag-alala
Lahat ng itoy 'di na hadlang.
Parehas pa rin tayo ng mundong ginagalawan.
Iisa ang ating mga tinititigan.
Bintanang humaharang sa iyo,
Sa akin ay humaharang din.
Bago ako matapos ay iisa
Lamang ang mapatutunayan ko.
Mata mo at mata ko
Ang magtatagpo sa pagwawakas ko.
Tumingin ka ngayon sa bintana
At makikita mo ang nais kong patunayan."
Magkalayo man tayo
Iisang buwan ang gumagabay
Sa atin tuwing gabi.
Iisang araw ang nagniningning
Tuwing umaga.
At iisang puso ang nangungulila
Tuwing maiisip kita.

Comments

Popular Posts