Titulo

Patawad po pagkat ito lang kinaya ko
Patawad po pagkat ito ang gusto ko
Ito na ang ginusto ko
Ngunit bakit di nyo ito gusto.
Gusto nyo ng titulo, ngunit pinipigil nyo.
Gusto nyo ako dito ngunit di ko to gusto.
Sa titulo masyado kayong nabulag.
Kahit ang dugong bughaw
Pag nasugata'y pula pa rin ang aapaw.
Ito na ang ginusto ko,
Ito na ang pasya ko.
Sa pagsulat, at paglika,
Dito ko gustong makilala.
Dugo kong bughaw, sa pula na nauuhaw.
Mga letrang itinurok,
Mga salitang nilunok
Mga barang pinausok at nasinghot,
Ngayon sa dugo ko pinaiikot.
Hindi naman masamang maiba
Kung tama naman ang pasya.
Hindi masusukat ng titulo ang tunay na ligaya.
Patawad pagkat ito lang ang titulo kong dala.

Comments

Popular Posts