Kailangan na kita isa pang ako
Kailan ka darating, kailan ka lalabas?
Kailangan ko ang tulong mo
Dito sa mundong marahas
Hindi ko na alam kung sino ako.
Nagngangalit nagliliyab
Ang isipan kong lumilipad
Punong-puno ng mga bersong paalam
Pagtuligsa sa sarili kong alam.
Kalian ka darating kailangan na kita
Upang pagtakpan ang aking kamalian
Karahasan, kawalang hiyaan
Nababaliw hindi na makakita.
Kalian ka lalabas bilisan mo
Nagmamadali ako kailangan kita dito
Walang magtatago, walang makapagtago
Sa kasinungalingang isa ako
Sa mga unos na magsisimula ng pagbabago.
Comments