Kape

Sinubukan kong tikman ang lasa
Ang timpla ng starbucks na kape
Masarap daw ito sabi nila
Ito rin ang sinabi ni ateng nasa kahera.
Kinuha niya ang aking pangalan
Laking tuwa ko interesado s'yang malaman.
Isa lang akong magkakape
Sawa na sa pait ng buhay
Dala na sa tamis ng pag-ibig
Na nasanay na sa walang lasang timpla.
Naghahanap ng panibagong lasa,
Nagdurusa, iniinda ang init na umiting
Sa dila nang higupin ang kape(ng)
Inakalang lumamig na
Ang alab ng pusong
Minsan ng napunan ng galit
At umaasa na mababago ang mga salitang
Namutawi sa kanyang mapupulang labi---
"Magandang araw Manong Pepe
Ito na po ang inyong kape."

Comments

Popular Posts