Ang Tren
Hinintay kita sa terminal ngunit sobrang tagal
Mo bago dumating. Trapik ba?
Siguro naman hindi dahil iisa lang
Ang dinadaanan mo.
Naiga na ako kahihintay sa pagdating mo,
Humihiyaw na ang tyan ko,
Iga na ang mga tubig sa katawan ko.
Ikaw ba ang matagal? O nahuli lang ako
Sa paghihintay sa pagdating mo?
Kakain muna ako, babalik ako
At muling maghihintay sa pagdating mo.
Ngunit sa pagbalik ko dumating ka na
Ngunit nahuli na talaga ako.
Hinabol kita, tinawagan kita
Sa pag-aakalang babalik ka pa.
Nagkamali ako ng pasya. Huli na ang lahat,
Bago ko nalamang ang tren
Ay hindi bumabalik sa mga naiwanan.
Mo bago dumating. Trapik ba?
Siguro naman hindi dahil iisa lang
Ang dinadaanan mo.
Naiga na ako kahihintay sa pagdating mo,
Humihiyaw na ang tyan ko,
Iga na ang mga tubig sa katawan ko.
Ikaw ba ang matagal? O nahuli lang ako
Sa paghihintay sa pagdating mo?
Kakain muna ako, babalik ako
At muling maghihintay sa pagdating mo.
Ngunit sa pagbalik ko dumating ka na
Ngunit nahuli na talaga ako.
Hinabol kita, tinawagan kita
Sa pag-aakalang babalik ka pa.
Nagkamali ako ng pasya. Huli na ang lahat,
Bago ko nalamang ang tren
Ay hindi bumabalik sa mga naiwanan.
Comments