Ito na! Dumagsa na!

Gumagapang ang pawis sa pagitan
Ng muntik nang magtagpong mga kilay.
Noo'y nakakunot, kay bagal ng usad
Sa patatlo pa, ako ay lilipad!
Dahandahang umaakyat ang panginginig
Mula tuhod, malapit na sa leeg.
Matagal pa ba, paubos na ang pawis ko
Malamig na ang yakap ng hangin
Bumabangon na ang balahibo
Mula sa pagkakahimbing
Maya-maya pa ay luluha na
Kasabay ang malakas na hiyaw
Matawa-tawang maiiyak sa pagkakamali
Bakit?!
Bakit hindi!
Bakit ngayon pa nagpumilit?
SImula na ng pagguho ng aking maliit na mundo
Wala akong pamalit sa magdudumi kong baro.
Bakit, hindi ako nagbanyo
Noong nasa bahay pa ako!

Comments

Popular Posts