Pag-ibig sa Laman ng Kahang Pula
Sinubukan kong tikman, ang nasabing laman
Sinubukan kong pakisamahan ang usok na lulan
Ang samut-saring sakit, at sugat sa katawan.
Ano nga ba? Bakit? Ano ang dahilan
At unti-unti na akong nahuhumaling sa iyong katawan.
Pinabaga, pinausok, inubos hanggang maging
Upos, ngunit ito ngay isang pagkakamaling
Dapat ng pigilan, dapat ng iwasan.
Antapang ko dahil sa iyo ako agad nagsimula
Na di ko namamalayang sa paglipas
Ng mga araw, ay unti-unting nauubos
Ang laman ng kahang pula. Dahil sa kahumalingan
Ako ngayon ang nasusugatan, naninikip
Ang dibdbib dahil sa labis na pagdadamdam.
Unti-unti ko na rin palang inuubos ang aking
Buhay dahil sa iyo. Unti-unti ko nang
Nakakalimutan ang sarili ko dahil sa iyo.
Nasaktan ako ng labis dahil sa pangungulila
Sa katawan ng nasa loob ng kaha.
Di ko mapigilan ang sarili ko kundi magmukmok
Maghinagpis, lumuha, at umasa
Na balang araw, o kinabukasan o baka ngayon
Iniisip mo rin ako at ang pagkawala ko sa buhay mo.
Di ko na alam kung itutuloy ko pa ba ito
O hahayaan na lang na tangayin ng hangin
Dahil ang patuloy na pagpapadaig sa iyo
Ay unti-unti ngang paglilibing sa sarili ko.

Comments