Buhay Makata

Nag aawitan ang mga kuliglig
Kaysarap sa tenga, tanging ito lang ang naririnig
Bumalot na ang dilim
Sa kalangitang napakakulimlim

Iniisip mo rin ba ang iniisip ko
Nangungulila na sa iyo
Ang mga mata kong nanlalabo
Natulad ng tubig na may abo.

Isinulat ang mga bara
Inihanay ang mga letra, salita
At pinilit lagyan ng mga tugma
Gaya ng pagpupumilit na tayoy magkasma

Ako lang naman ang makulit
Ako lang ang nagpupumimilit
Iniisip na ikaw ang metapora
Sa buhay ko na mistulang tula
Hindi kumpleto, hindi buhay kapag wala ka.

Comments

Popular Posts