Papel na Dilaw

Marami ng papel ang naubos
Para lang makuha ang papel sa lipunang
Ginagalawan ng mapapapel na pinuno, mamamayan
Ay nawawalan na ng papel na binabayad sa buwis
Ninanakaw ang kumpol-kumpol na mga papel
Ng lipunan na syang dapat nakalaan 
Sa isang mapanlokongpabrika ng papel
Ipamamahagi ang mga lukot, punit, marumi, gamit na mga papel
Ang tinitipid makuha lang ang nakabilot na papel
Na nagpapatunay, katibayang nakatapos.
Habang buhay na lang bang manghihingi ng papel
Magmamakaawa para sa papel
Maghihintay na magkapapel sa buhay ng iba
Magtityaga para papel na matagal ng pinangarap masulatan.

Comments

Popular Posts