Limampu't-limang Minuto sa Ika-siyam ng Gabi
Wala na ang matamis (siguro?)
Natin dating diskurso
Palitan ng mensahe
Na noo'y inaabot pa ng hating gabi
Ewan ko, di ko alam siguro
Ang buwan ay biglang nagbago
Nanlamig ang mga yakap mo
Na matagal na pinangarap ko
Ang mga bituwing nagpaliwanag
Sa daang tinatahak; tumawag
At hindi na muling sumagot
Ang ulap na syang kukumot
Sa nagbabaga kong paglimot
Kahapong masalimuot
Hahabulin, tatakbo hanggang madapa
At abutin ka sa pagnanasa
Na maibabalik pa ang tsinelas na nadala
Titingala na lamang sa kalangitan
Maliwanag pa sa dilim ng kapaligiran
Tititigan,
Ang mga mensahe; matitigilan
Nakakandado pa rin ang aking kalooban.
Natin dating diskurso
Palitan ng mensahe
Na noo'y inaabot pa ng hating gabi
Ewan ko, di ko alam siguro
Ang buwan ay biglang nagbago
Nanlamig ang mga yakap mo
Na matagal na pinangarap ko
Ang mga bituwing nagpaliwanag
Sa daang tinatahak; tumawag
At hindi na muling sumagot
Ang ulap na syang kukumot
Sa nagbabaga kong paglimot
Kahapong masalimuot
Hahabulin, tatakbo hanggang madapa
At abutin ka sa pagnanasa
Na maibabalik pa ang tsinelas na nadala
Titingala na lamang sa kalangitan
Maliwanag pa sa dilim ng kapaligiran
Tititigan,
Ang mga mensahe; matitigilan
Nakakandado pa rin ang aking kalooban.
Comments