Mensahe sa Sobreng Selyado

Mga mensahe mong hindi naman
Ako ang pinatatamaan ang tanging laman
Ng telepono ko na hindi ko binubuksan
Hindi ko binubuhay dahil wala ng dahilan
Upang aking tingnan, basahin, malaman
Kung sino ba itong nilalang, na ako ang pinalitan.
Hahayaan na lang mapuno, mga sobreng selyado
Pa rin at hindi nabubuksan, mula sa iyo
Na lahat kami ay nakatatanggap nito.
Hahayaan na lang tuluyang mamatay
Magdilim at hindi na mabuhay
Ang telepono kong sira na sa labis-labis
Na paggamit at paghihinagpis
Ang syang sasagip sa pagkahulog
Kong muli sa walang katapusang pagtulog
At hindi na muling magising.

Nagmamahal,
Ising

Comments

Popular Posts