Sistemang Tatsulok
Unti-unting nilulunok
Mga laway at gabok
Yumayakap ang usok
Amoy ay nakakasunok
Gumuguhit, pumapantig
Mga salitang idinidilig
Silang mga tagapakinig
Nalugmok lahat sa sahig
Hindi makayuko sa sobrang taas
S'yang nasa tuktok, walang ipinamalas
Na kabutihang dunong, puro pagkalas
Sa kadena ng mga halimaw wagas
Yumuko, dumapa, tumakbo, humiga
Wala kang takas sa mata niya
Pilitin mang kumalas
Buhay magwawakas
Mga laway at gabok
Yumayakap ang usok
Amoy ay nakakasunok
Gumuguhit, pumapantig
Mga salitang idinidilig
Silang mga tagapakinig
Nalugmok lahat sa sahig
Hindi makayuko sa sobrang taas
S'yang nasa tuktok, walang ipinamalas
Na kabutihang dunong, puro pagkalas
Sa kadena ng mga halimaw wagas
Yumuko, dumapa, tumakbo, humiga
Wala kang takas sa mata niya
Pilitin mang kumalas
Buhay magwawakas
Comments