Abril Uno

Nag-awitan ang mga ibong matagal nanahimik
Nang mabasa ang pagbating nakakasabik
Tulad ng pagnanasa kong matikman
Ang unang patak ng alak na aking pinanabikan
Isang panibagong yugto na ang tatahakin
Tunay na buhay, ulan ang sasayiin
Pinagningas muli ang napunding liwanag
Ng lamparang matagal ng inaamag
Tatanggapin Niyang muli ang aking pagbabalik
Nawa ay buo pa rin at kapanapanabik
Hinawakan, ang yakap niyang hindi bibitawan
Ibinulong ang halik ng pagbabago; Hinawakan
Hinding-hindi na bibitawan

Comments

Popular Posts