Kulangot sa Kalangitan
Sa mga tala'y ngalan mo ang hanap
Nagbabakasakaling mabuo ang pangarap
Bulalakaw hinihintay
Upang hiling ay maibigay
Pagnanais na makamit
Ang puso mong di masungkit
Tulad ng kulangot sa ilong
Na matindi ang kapit
Di makuha-kuha
Ng daliring nangangawit
Sa pagnanais na ikaw ay makamit.
Mga bituin sa itaas
Ikaw ang binabakas
Mahigpit dumikit
Matinding kumapit
Bumitaw ka na
Sa ilong ko ikaw bumabara
Sana,
Sana nga ikaw na nga
Ang binubukang bibig
Ng puso kong umiibig
Sa mga talang sa aki'y lumulupig
Nagbabakasakaling mabuo ang pangarap
Bulalakaw hinihintay
Upang hiling ay maibigay
Pagnanais na makamit
Ang puso mong di masungkit
Tulad ng kulangot sa ilong
Na matindi ang kapit
Di makuha-kuha
Ng daliring nangangawit
Sa pagnanais na ikaw ay makamit.
Mga bituin sa itaas
Ikaw ang binabakas
Mahigpit dumikit
Matinding kumapit
Bumitaw ka na
Sa ilong ko ikaw bumabara
Sana,
Sana nga ikaw na nga
Ang binubukang bibig
Ng puso kong umiibig
Sa mga talang sa aki'y lumulupig
Comments