Istorya ko
Nagbabagang mga yero, natutunaw na yelo
Nakapapaso ang sahig sa may kanto
Para akong naglalangoy sa dagat-dagatang apoy
Sinisisid ang nagliliyab na mga kahoy.
Natutunaw na ako, kelan pa matatapos
Ubos na ang tubig sa katawang nakagapos
Sa ilalim ng nag iisang bubong
May bulkang bumubulong
Malapit ng sumabog sa init ng ulo
Patawad di ko inisip ang ginawa ko.
Patawad, patawad, walang humpay na patawad
Sa taong kalawang lang pala sa umuusok na kawad.

Comments