Buhay
Ibinaong isang buko lamang
Diniligan, inalagaan, pinasibol, pinalago
Tumaas, tumayog, tumibay sa hamon.
Taong pamamalagi, sa pinagbaunang lupa,
Ay pag buo ng pundasyong walang makatitibag
Kahit pa bagyo ng pagdurusa o,
Hanging ng kahirapan ang sumugod
Magpatumba, kawayang hinubog at pinanday
Yuyuko lamang, ngunit matutumba.
Tatayong muli at walang makatitibag.
Kawayang matayog, nabiyak napagod
Bumagsak humamon, nagsimula ng panibago
Sa pagkakabagsak, isang itlog ang sumulpot.
Inalagaan, inaruga, nagsimula ngunit naiiba,
Nabuhay sa mundong siya ang hindi katulad.
"Mas mabuti pang makita kitang patay,
Kaysa makitang buhay ng di kilala ang sarili"
At itong mumunting nilalang
Mula sa itlog ng kawayan, lumipad
Nabuhay nang sumasalubong sa ulan ng kabiguan.
Umahon, umangat sa ulap ng kaguluhan,
Naghanap ng kapayapaan,
Inihanda ang sarili, sa hamon ng buhay.
Nalampasan ang ulan, nalakbay ang mga ulap
Hanggang sa bumagsak, sumirok at mabagong muli.
Mula sa kawayan, naging ibong gala.
Hanggang sa mapagod naging piratang
Hindi matigil sa paglalakbay
Sa paglalayag sa hamon ng buhay sakay
Sa barkong lulan ang mga piratang
May kanya-kanyang mundo. Di matigil
Sa iisang kayaman, hanggang makita
Ang totoong susing makapagbubukas
Ng baul lulan ang "Buhay"
Na hinahanap ng lahat.

Comments