Istranghero
Dito sa mundo kung saan bago,
Kakaiba ang mga tao,
Panibagong paglalakbay ang susuungin
Ko. Sa aking pag-iisa ikaw
Agad ang bumungad, kusang nag-alok
Ng tulong na di ko kinakailangan.
Ano to? Totoo ba to?
Bakit may ganito? Sinamahan mo ako
Kahit di tayo magkakilala,
Inihatid sa destinasyon kung saan
Nakahanay ang mga pangalan
Nating lahat; Hinanap ko ang akin,
At natagpuan ko, magkatabi lamang
Ang silid nating dalawa, sa ikatlong palapag,
At hagdan lang ang pumapagitan.
Totoo ba ito, o sinasadya lamang; siguro?
Nagkataon lang ba, o itinadhana talaga
Na dalawa ang lapis ko, dahil yung isa
ay ipahihiram ko sa iyo?
Di kita kilala, ako ba kilala mo?
Oras na; dito na masusukat kung sino
Ang makukuha, at kung sino ang maiiwan,
Hanggang sa matapos ang lahat,
Tumutulo ang pawis ko sa lamig
Ng silid. Sa pagbaba ko ng gusali
Ikaw agad hinanap ko, hindi dahil para kunin
Ang lapis, kundi para bumawi. Hinanap kita
Kahit di tayo magkakilala.
Nakita kita sa may gate, nag-iisa.
Hinintay mo ba ako dahil sa lapis
O dahil gusto mo lang malaman ang pangalan ko?
Kakaiba ang mga tao,
Panibagong paglalakbay ang susuungin
Ko. Sa aking pag-iisa ikaw
Agad ang bumungad, kusang nag-alok
Ng tulong na di ko kinakailangan.
Ano to? Totoo ba to?
Bakit may ganito? Sinamahan mo ako
Kahit di tayo magkakilala,
Inihatid sa destinasyon kung saan
Nakahanay ang mga pangalan
Nating lahat; Hinanap ko ang akin,
At natagpuan ko, magkatabi lamang
Ang silid nating dalawa, sa ikatlong palapag,
At hagdan lang ang pumapagitan.
Totoo ba ito, o sinasadya lamang; siguro?
Nagkataon lang ba, o itinadhana talaga
Na dalawa ang lapis ko, dahil yung isa
ay ipahihiram ko sa iyo?
Di kita kilala, ako ba kilala mo?
Oras na; dito na masusukat kung sino
Ang makukuha, at kung sino ang maiiwan,
Hanggang sa matapos ang lahat,
Tumutulo ang pawis ko sa lamig
Ng silid. Sa pagbaba ko ng gusali
Ikaw agad hinanap ko, hindi dahil para kunin
Ang lapis, kundi para bumawi. Hinanap kita
Kahit di tayo magkakilala.
Nakita kita sa may gate, nag-iisa.
Hinintay mo ba ako dahil sa lapis
O dahil gusto mo lang malaman ang pangalan ko?
Comments