Biha
Sinindihan, pinabaga
Ang maliit na nirolyong papel
Laman ang samut-saring mga sakit;
Kanser, gangrene, ewan ko
Kung ano pa ang iba na kikitil
Sa buhay mong gipit sa kasaganahan.
Nilanghap ang usok
Na dulot ay pagkitil
Sa biyayang paghinga
Na di pa natutumasan
Ng paghihirap na kakarampot lamang.
Pinilit pinigilan, pinilit ihininto
Ngunit dala ay sakit na di maubos-ubos
Di kinaya, gutom pa rin sa iyong usok
Ngunit ito ba ay ikinasaya mo
Gayong unti-unti mong binubura
Ang linya ng buhay mong gagatuldok na.
Ang maliit na nirolyong papel
Laman ang samut-saring mga sakit;
Kanser, gangrene, ewan ko
Kung ano pa ang iba na kikitil
Sa buhay mong gipit sa kasaganahan.
Nilanghap ang usok
Na dulot ay pagkitil
Sa biyayang paghinga
Na di pa natutumasan
Ng paghihirap na kakarampot lamang.
Pinilit pinigilan, pinilit ihininto
Ngunit dala ay sakit na di maubos-ubos
Di kinaya, gutom pa rin sa iyong usok
Ngunit ito ba ay ikinasaya mo
Gayong unti-unti mong binubura
Ang linya ng buhay mong gagatuldok na.
Comments