Ugat
Nagsimula sa isang maliit na buto
Umugat, sumibol at yumabong
Ang mga dahong naglalaman
Ng mga kautusang hindi dapat
Suwayin nino man. Lahat
Ng tumaliwas, tumalikod sa utos
Ay naparurusahan, nagdurusa
Sa kasalanang sinadya.
Di lumaon ang buto ay namunga
Nahinog, at kinain ng mga buwaya,
Hanggang sa tumaba at tuluyan
Nang nagtaglay ng kapangyarihang
Umaabuso sa kautusan ng puno.
Lahat ng mabubuti, nabahiran ng dumi.
Lahat ng masasama'y di pa rin bumuti.
Nagulo na ang siklo ng buhay
Dahil sa butong siyang ugat ng lahat.
Nagkaroon ng masama dahil may susuwayin;
Nagkaroon ng mabuti dahil may susundin;
Nagkaroon ng buwaya dahil may kakainin;
Hindi na mapipigilan ang punong kinagisnan
Hanggang sa bunutin na lamang
Ang halamang syang ugat ng lahat.
Umugat, sumibol at yumabong
Ang mga dahong naglalaman
Ng mga kautusang hindi dapat
Suwayin nino man. Lahat
Ng tumaliwas, tumalikod sa utos
Ay naparurusahan, nagdurusa
Sa kasalanang sinadya.
Di lumaon ang buto ay namunga
Nahinog, at kinain ng mga buwaya,
Hanggang sa tumaba at tuluyan
Nang nagtaglay ng kapangyarihang
Umaabuso sa kautusan ng puno.
Lahat ng mabubuti, nabahiran ng dumi.
Lahat ng masasama'y di pa rin bumuti.
Nagulo na ang siklo ng buhay
Dahil sa butong siyang ugat ng lahat.
Nagkaroon ng masama dahil may susuwayin;
Nagkaroon ng mabuti dahil may susundin;
Nagkaroon ng buwaya dahil may kakainin;
Hindi na mapipigilan ang punong kinagisnan
Hanggang sa bunutin na lamang
Ang halamang syang ugat ng lahat.
Comments