Kontrata ng Silid
Sa isang silid, doon tayo tinipon
Ng ating pinuno, pinangaralan,
Binigyan ng kaunting kaalaman
Sa silid ding ito kung saan lulan
Ang mga utak ng hinaharap,
Dito kita nakilala, nakita, at pinangarap
Na makausap man lamang,
Hanggang sa maubos ang liwanag
At matakpan na ng kadiliman
Hindi ko nakuha ang iyong pangalan.
Hinanap kita, sinundan ng ika'y matagpuan.
Inaabangan ang mga salita mong binibitawan,
Mga litrato mong dala ay kasiyahang
Syang pumapawi sa kaligayahang
Aking inaasahan. Nangarap
Nahibang hanggang ang silid
Ay tuluyan ng makalimutan.
Nag-asam na makuha ka,
Nangarap na makasama ka
Ngunit ito ay mga alikabok na lamang
Na pinakawalan sa kalawakan.
Matatapos na ang kontrata,
Lilisanin na ang silid na nagbigay ng marka
Ang silid na tumatak sa isipan,
Ang silid na naghatid sa tamang katinuan
Ang silid na pasimuno ng lahat.
Sa silid kung saan binuo ko ang lahat
Ng mga pangarap at pagnanais na mahagkan
Ka ay iiwan na lang at mapapakong
Pangarap ang lahat ng aking sinimulan.
Ng ating pinuno, pinangaralan,
Binigyan ng kaunting kaalaman
Sa silid ding ito kung saan lulan
Ang mga utak ng hinaharap,
Dito kita nakilala, nakita, at pinangarap
Na makausap man lamang,
Hanggang sa maubos ang liwanag
At matakpan na ng kadiliman
Hindi ko nakuha ang iyong pangalan.
Hinanap kita, sinundan ng ika'y matagpuan.
Inaabangan ang mga salita mong binibitawan,
Mga litrato mong dala ay kasiyahang
Syang pumapawi sa kaligayahang
Aking inaasahan. Nangarap
Nahibang hanggang ang silid
Ay tuluyan ng makalimutan.
Nag-asam na makuha ka,
Nangarap na makasama ka
Ngunit ito ay mga alikabok na lamang
Na pinakawalan sa kalawakan.
Matatapos na ang kontrata,
Lilisanin na ang silid na nagbigay ng marka
Ang silid na tumatak sa isipan,
Ang silid na naghatid sa tamang katinuan
Ang silid na pasimuno ng lahat.
Sa silid kung saan binuo ko ang lahat
Ng mga pangarap at pagnanais na mahagkan
Ka ay iiwan na lang at mapapakong
Pangarap ang lahat ng aking sinimulan.
Comments