Buwanang Pagnanasa

Nagliliyab ang buwang ngayon lang muli sumikat.
Ang mapulang liwanag na bumalot sa iyo
Ay syang nagpadaig sa natutulog kong apoy
Nabuhay muli ang patay kong kampon.

Liwanag mong kay tingkad, inaakit ako
Inaaning ng dala-dala mong bilao.
Mga inaning gulay, irarasyon, sisilaban
Nang magkaro'n ng silbi ang ating kasiyahan.

Bombang dala, itinago sa gulay na basa
Naglalagkitang dagta ng inaamag na bulakak
Pinasayang muli ang gabing di madama
Pinalipad muli ang eroplanong sira.

Comments

Popular Posts