Botohan

Mahaba ang pila ng paghihintay
Ng pagkakataong makapili
Sa taong alam ang tama at mali; siguro.
Sino? Alin? Kanino ba ako papanig?
Sino ba ang aking bibilugan?
Sino ba ang aking eekisan?
At sa di inaasahang pagkakataon
Ay nabagong bigla ang ihip ng hangin.
Ang tanong kong "Sino?" Ay napalitan ng "Bakit"
Bakit sa dinamidami ng bakanteng espasyo,
Ay sa akin ka lumapit?
Bakit sa dinamidami ng botanteng bumoboto
Ay sa akin ka nagtanong?
Parang pagsabog ng bomba ang naganap
Ng magbanggaan ang ating mga titig.
Tanging bilog na lang sa papel ang aking nakikita.
Ano ba? Bakit ba sa akin pa?
Napalitan ng kaba, at saya ang aking pagdududa
Sa mga taong ibinoboto kong di ko kilala.
Tanging tango lang ang naibibigay ko
Sa mga tanong mong aking sinasalo.
At ang bigat mong idinantay mo sa sa akin
Ang nagpasabog ng lubos sa aking damdamin.
Minsan inisip ko rin na sana "Yun na ang itanong mo"
At o-oo na lang ako sa sobrang saya ko.
Minsan inisip ko rin na bakit di ka kumandidato?
Sa akin pa lang panalong-panalo ka na
Dahil botong-boto ako sa iyo.

Comments

Popular Posts