Platito

Kumukutikutitap
Na tulad ng mga tala
Minsay liwanag lamang
Na pumupukaw sa mata
Eroplano? Hindi.
Platito na lumilipad
Lulan ang mga utak
Ng hinaharap.
Kakaibang talas
Ng pag-iisip ang taglay
Na kayang humiwa
Ng di gamit ang mga kamay.
Sa platitong ito gusto ko nang sumakay
Magpakalayo-layo
Kasama ang kulay abong nilalang.
Baguhin ang nakaraan
Ay panaginip lamang
Hanggang sa mga ninanais
Maglaho na lamang
Dahil sa tanong na tumatak
Sa isipan
"May platito ba
Na lumilipad sa kalawakan?"

Comments

Popular Posts