Lhienn Ancel

Wala akong magawa kundi titigan
Ang litrato mong ako rin ang tinitigan
Mata mong kay ganda, kumikinang
Tulad ng mga bituin sa dilim ng kalangitan
Ang labi mong kay ganda ng guhit ng ngiti
Hinihila ako ng kakaibang dala
Ng litrato mong inihanda.
Pinilit kong pigilan ang paglago
At pagyabong ng itinanim kong
Nararamdaman sa iyo ngunit
Sa pagpigil koy lalo ang pagtaas
At paglago nito. Ano ang meron
Ka ba, at patuloy pa rin ang paglago
Ng nararamdaman ko sa iyo.
Ano ba ang meron ka, at hinding-hindi
Mamatay ang itinanim kong ito.

Comments

Popular Posts