Pagsulat
Gusto kong sumulat ng maikling tula
Ngunit hindi ko magawa-gawa
Yung pino ngunit pulido.
Maliit lamang pero mabigat ang nilalaman
Yung sapat lang, eksato lang sa panlasa
Ko, pati na rin sa mga babasa
Tulad ng mga buhangin sa dagat
Na pumapaso ng paang tapak
Kapag tanghaling tapat.
Mapipino ngunit nakasasakit.
Maliliit man ngunit madami.
Nakakikiliti sa paa kung gabi,
Nadarama pa rin kahit sobrang liit.
May halaga pa rin, at hindi pwedeng mawala
Dahil ang balanse ay masisira.
Ngunit hindi ko magawa-gawa
Yung pino ngunit pulido.
Maliit lamang pero mabigat ang nilalaman
Yung sapat lang, eksato lang sa panlasa
Ko, pati na rin sa mga babasa
Tulad ng mga buhangin sa dagat
Na pumapaso ng paang tapak
Kapag tanghaling tapat.
Mapipino ngunit nakasasakit.
Maliliit man ngunit madami.
Nakakikiliti sa paa kung gabi,
Nadarama pa rin kahit sobrang liit.
May halaga pa rin, at hindi pwedeng mawala
Dahil ang balanse ay masisira.
Comments