Pagsulat

Nagulat ako ng makita kita
Sinaing kong bigas na dapat ay puti
Ngayon ay kulay itim na.
Ito ba ay ihahain ko pa o itatapon ko na lang
Tulad ng mga salitang inin-in ko sa aking isipan
Hanggang sa masunog at di na mapakinabangan.
Sumulat ako ng tula ngunit di ko nagustuhan
Sa metapora'y nagkulang, kaya nasayang lamang
Tulad ng sinaing kong ngayon
Na sa tubig naman kumulang; hilaw hindi napakinabangan.
Kailan ko ba makukuha ang tamang saknong
Mabulaklak na mga taludtod,
Tulang sa metapora'y hindi salat.
Paghango ko sa sinaing kong bigas
Biglaan kong naisip;
Hindi inpirasyon ang kailangan
Sa tulang nais na maisulat bagkus
Damhin ang bawat letra, mga linya'y ihanay
Na naayon sa metapora,
Dahil di maluluto ang bigas kung walang
Apoy na gumagabay.

Comments

Popular Posts