1958

Patagong humihiyaw sa likod ng salamin
Mga pagkakasalang sumasaksak na patalim
Umaapaw na ang kirot na lihim
Gumuguhit ang pait sa isipang nagdidilim.
Paulit-ulit, pabalik-balik na lamang
Mga nagawang palaging mali sa isipan,
Mga pagkakamaling hinding-hindi mabitawan
Nahihirapan, naguguluhan, gusto ko ng lumisan.
"Ayoko na!" ang palaging sigaw,
Hindi ko na kaya, isip ay nalulusaw
Sa salaming ikinandado...
Dudurugi't muling mabubuo......

Comments

Popular Posts