1857

Lumuluhang kaulapan
Umuusok ang nagbabagang kahirapan
Nakayupyop na ang dating nagliliparan.
Nakangiting bubuyog sa di-kalayuan
Ang tanging natatanaw. Tahimik ang hiyawan,
Natutulog ang kaguluhan
Sa kabang bubuhos ang ulan.
Aapaw ang mga esterong nagbabasaan
Ng mga dugong itim; sisidlan
Katarungay hinding-hindi masilayan
Pinaigting ng maigi ang garapong tinakpan,
Mga "Oo'ng" hindi dapat ang syang lulan.

Comments

Popular Posts