Hindi na Lang Sana
Hindi na lang dapat sumulat
Hindi na lang dapat nag kwento
Mga matang pilit idinidilat
Mula sa pagkakahimbing ko.
Dahon ay nalalagas na
Mula sa punong noo'y pinapanood ko pa.
Kasabay nito ay ang paglipad papalayo
Ng mga naabong memorya ko.
Nagkulong; ikinandado
Nanatili sa madilim na seldang ito.
Lamig lamang ang yumayakap,
Lamok lamang ang humahalik.
Hindi na naghangad makakita pa ng ulap
Hindi na naghangad lumabas at magbalik.
Hindi na lang dapat sinabi
Hindi na lang dapat....
Kinimkim at nanatili
Inilihim sa mga ngiti
Ng punong noon ay mayabong pa
Na ngayo'y nalalagas at sa pader nakapinta.
Hindi na lang dapat nag kwento
Mga matang pilit idinidilat
Mula sa pagkakahimbing ko.
Dahon ay nalalagas na
Mula sa punong noo'y pinapanood ko pa.
Kasabay nito ay ang paglipad papalayo
Ng mga naabong memorya ko.
Nagkulong; ikinandado
Nanatili sa madilim na seldang ito.
Lamig lamang ang yumayakap,
Lamok lamang ang humahalik.
Hindi na naghangad makakita pa ng ulap
Hindi na naghangad lumabas at magbalik.
Hindi na lang dapat sinabi
Hindi na lang dapat....
Kinimkim at nanatili
Inilihim sa mga ngiti
Ng punong noon ay mayabong pa
Na ngayo'y nalalagas at sa pader nakapinta.
Comments