Nakakapanghinayang

Ang pagkakataong ito
Tulad ng mga linya kong
Dapat isinulat at naging tula
Naglaho lamang lahat
Gaya ng uling na nagbabaga
At naging gabok.
Ang dating buo noon
Ngayon isa na lamang alikabok.
Nakakapagsisi,
Dapat sana di ko na hinayaan
Kang makuha pa ng iba.
Nasulat na niya ang mga linya,
At wala na akong magagawa.
Mga salitang nabuhay at naglakbay
Sa isipan ng lahat di ko na
Magagamit pa, dahil ito'y
Lubos na panggagaya.
Nakakapanghinayang
Na dapat siguro nasa akin ka
Ngunit ngayon, diwa mo'y nasa iba na.

Comments

Popular Posts