Tanim ko'y Buto, Sa'yo Piso

Ganito ba talaga
Ang tinatawag mong pagbabago?
Gayong takbo ng mundo
Pinipilit mong mapasa'yo.
Liwanag sa dilim
Unti-unting naglalaho
Bakit?
Ano ba ang pilosopiya mo?
Ganito ba talaga
Ang tinawag mong pag-aani?
Gayong mga punlang dapat yayabong
At magiging ginto ay inaani
Ng kasakiman mo.
Nabulag ng dahil sa kapusukan
Liwanag unti-unting nalilimutan.
Bulag ka bang talaga
O nagbubulag-bulagan lamang?
Bingi ka bang talaga
Upang hindi marinig ang hiyaw
Ng nga kaluluwang naipit at nabilanggo
Sa selda ng makakasalanan?
Magsasakang inaani ay papuri
Na hindi naman kapuri-puri.
Sarili'y tinuturing na dyos
Ng mga lamang lupa
Na wala namang kundi hangin at abo.
Panginoon ko,
Hindi kami ang disipulo mo!

Comments

Popular Posts