Dati Noong Maliit Pa Ako

Sumisilip pa dahandahan ang sipon kong mahiyain
Biglang umuurong pabalik sa kweba
Kapag nadantayan ng liwanag ni haring araw
Manunuyo mag-aasin ang pawis ng balukiskising balat.

Ekstra- Ekstra sa loob may libreng barya
Minsan laruan, walang talo tuloy ang kasiyahan
Piso dalawa ang maxx
Buhay narin ang Skyflakes na walang kupas

Mga larong tila nilamon na ng kahapon
Muro ang MOBA namin noon
Bang- Sak ang RoS at PUBG
Bahay-bahayan, tagutaguan, langit lupa
At kung ano-ano pang kinain na ng teknolohiya

Dati bata pa ako teks at hindi texts ni kras ang iniipon
Walang pakialam kahit dumudungaw ang sipon
Pahabaan ng lastiko hindi ng oras ng call
Padamihan ng totoong kaibigan Yung literan na totoong kaibigan

Dati noong bata pa ako,
Lâruan lamang ang pinoproblema
Mga puno ang hinahanap upang matuloy ang ganap
Mga amorseko ang kalaban,
Pagkatapos ng malupit na bakbakan

Dati noong bata pa ako nalaman ko
Na hindi lahat ng kaibigan
Marunong manaksak sa harapan

Comments

Popular Posts