Utak Tisa

Nangangamoy ang baho
Ng isipang nalilito
Utak tisang mga tao
Nabubuhay naririto
Inaagiw na bungo
Inaamag na buto
Lapidang bato
Nakaukit ang titulo
Bangko ay gumuho
Bigas ay humuho
Nasilab, naabo
Luha ay tumulo
Sa pagnanasang matamo
Ang upuang may nakaupo
Na utak tisang pinuno

Comments

Popular Posts