Palay sa Palayang Iga
Gintong mga butil, inani at pinaghirapan
Inaalay, sa itaas bilang ganti sa bayan
Ipinakain, pinasaya ang tiyang kumakalam
Gutom sa butil at tila walang kabubusugan.
Dugo ang ipinawis, idinilig sa mga butil
Upang kinalaunan, maaani; sandatang pamigil
Sa mga magsasakang hirap; hindi pwedeng tumigil
Mga buwaya ay nag aabang, banta ay pagkitil.

Comments