Kahapon dito ay Ngayon
Mag-isang binabagtas
Ang anino araw na lumisan
Sumasabay ang tugtog
Ng nakabibinging ingay
Mga sasakyang tila nagliliparan
Sa kalsada lahat sila walang pakundangan
Duguan ang nasagasaan
Nabundol ng nakasidindak na kasinungalingan
Katotohanan ang ikukumot ibabalot
Sa walang buhay na sa kalsada nakahimlay
Patagong magpapakita na lang
Sa mga sugo ng kalikasan
Walang tigil na luluha ang nilisan
Ng araw na ngayon lamang muli isisilang.

Comments