Ligaw sa Kalawakan

Palutang-lutang sa dilim
Tanging bituin ang nagniningning
Nagbibigay kulay
Sa nagdidilim kong buhay.
Natagpuan kita, alam ko nag iisa
Ka sa iyong paglalakbay
Sa mundong punong-puno
Ng dusa at pagpapanggap.
Mga taong nabubuhay sa ilalim
Ng maskarang kumukumot
Sa lamig ng damdaming
Pumiga sa pighati at pagdurusa.
Naligaw na ako ng landas
At sa iyo na ako napunta.
Pagkakataon ko ng gumwa
Ng pagkakataong maligaw ka rin
Sa akin. Sana, hindi hanggnag sana na lang.
Paano, kung sa akin ka ngayon
Tapos bukas di na,
Paano kung dilim lang ang nagkukubli
Sa mga pagkakataong "Pano Kung?"
Paano kung, ngayon di ka akin
Tapos bukas sa akin ka na?

Comments

Popular Posts