Paakyat ka pa lang, Pababa na ako

Ginusto ko ring marating
Ang mga narating nila ngunit
Hindi ko kaya.
Ginusto ko ring masuot
Ang mga nasuot nila ngunit
Hindi pala kasya
Ang mga karamasang dala-dala
Simula pagkabata'y lagi ng kasama
Tsinelas kong butas, damit na kupas
Wala akong pinalipas.
Buhok ay pumuputi, ilaw napupundi
Lahat lumilipas, lahat pinagdadaanan.
Bundok na inakalang narating ang tuktok
Tulang inakalang magkakatuldok,
Lahat ay tila pag-abot
Sa mga talang nakalimot
Dahil sa mga linyang tumatak sa ulot.

Comments

Popular Posts