Tagtuyot

Natutuyo, nalalatang lalamunan
Naiga, nasabik sa patak ng tubig
Na naubos at naging lupa.
Mga haplos mong kay lamig
Dahil sa likidong malagkit na sa balat
Nag-asin, natutunaw ako
Sa init ng pagdating mo.
Nakapapaso, nakatutunaw ng yelo
Nakaiiga ng likido
Nananabik na ako sa tamis
Ng boses mong yumayakap
Sa aking pangungulila. Sa mga salita
Mong gumagapos sa aking pagkawala.
Sa pagdantay ng mapula at malambot
Mong mga labi sa labi kong tuyo at iga.
Nananabik na ako sa hindi mo paglisan
Sa aking piling, ang mga braso mong
Mabibigat ang syang huhusga sa kung
Paano tayo lilitisin ng tadhanang
Mapanlinlang, at tuso pa sa mga payaso.
Kelan? Kelan ka hindi aalis
Dahil tuyong tuyo na ako, at nananabik
Na sa mga luha mo.

Comments

Popular Posts