Sa Kalye Kwatrobente

Umaagos sa daan
Dugo ng mga bangkay na nasagasaan
Ng kasinungalingang nanlaban
Para sa kaligtasan mula sa maling katotohanan.
Patagong tinatakpan
Ng mamantsang kumot ang katiwalian.
Ipinaanod sa baha ng katanungan
Ang paulit-ulit na misteryosong kasagutan.
Umaagos sa daan
Luha ng silang mga nawalan
Hustisya ang isinisigaw ng mga nanlalamig na katawan.
Umaasang mababago, mapapatotohanan
Ang paulit-ulit na maling kasinungalingan

Comments

Popular Posts