Binange
Tumutulo-tulo ang pawis
Ng mga nilechong mga baboy
Sa lipunang ang pakay lamang
Ay mga yamang dapat ibinabahagi
Sa mga taong silang naapi.
Pinaikot-ikot sa nagbabagang galit
Ng lipunan; niluto
Pinalutong ang balat, pinapula
Tinartar ng maluto sa pangungutya.
Inihayin, binuhusan ng sarsa
Ng katiwalian; kinain
Nilasap ng walang kamuwang-muwang
Na mga buwayang gahaman.
Sinimot, inubos; masarap daw ang sabi.
Oo dahil sanay kayong kumain
Ng kapwa- kapwa tao, at kapwa salot
Sa bayang kulang ang salop.
Ng mga nilechong mga baboy
Sa lipunang ang pakay lamang
Ay mga yamang dapat ibinabahagi
Sa mga taong silang naapi.
Pinaikot-ikot sa nagbabagang galit
Ng lipunan; niluto
Pinalutong ang balat, pinapula
Tinartar ng maluto sa pangungutya.
Inihayin, binuhusan ng sarsa
Ng katiwalian; kinain
Nilasap ng walang kamuwang-muwang
Na mga buwayang gahaman.
Sinimot, inubos; masarap daw ang sabi.
Oo dahil sanay kayong kumain
Ng kapwa- kapwa tao, at kapwa salot
Sa bayang kulang ang salop.
Comments